Uncategorized

Pag-alaala sa Buwan ng Wika

Agosto, buwan ng wika. Masasabi nating may pagka-laos na ang konsepto ng nasyonalismo at pagpupursige ng pamahalan at ng maka-kaliwang grupo sa pagpapatuloy nila na gamiting pambansang wika ang Filipino. Isang dialekto ng mga Taga-ilog sa panahon ng mga Kastila. Dahil ako ay pasang-awang (pinasar nalang) sa Filipino noong high school ay yari ngang sumusuporta ako sa panawagan na itakwil na ang lenggwahe ng imperyalistang Manila. Pabor rin ako na gamiting pangunahing wika ang English. Kung mag-aaral ka naman ng lingwahe na hindi mo rin naman gagamitin sa trabaho – abroad o online – ay mas makakabuti nang mag-Cebuano na lang tayo. Ika nga ni Lourd de Veyra, sa buong Visayas at Mindanao gumagamit ng Bisaya at para maintindihan natin ang mga kanta ni Yoyoy Villame. 

Ngunit sa interes ng pagsusulat ng mga blog na may impormasyong maibibigay, kesa naman sa reklamo na lang nang reklamo para sa benepisyo ng neoliberalsmo, ay dapat ding matuto tayo sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay para maintidihan natin ang ugat nang  buwan ng wika. At pagkamuhi ng mga Pilipino sa Ingles sa panahon ni Quezon.

Para naman mukhang kapani-paniwala

Kasaysayan

Noong panahon na  sinakop at ginawang papet ng Estados Unidos ang gobyerno ng Pilipinas, tinangka nilang dominahin ang ating  kultura, ekonomiya at politika. Sa ngayon masasabi naman nating matagumpay ang kanilang asimilasyon. Dahil inunsyami nang pananakop ng Amerika ang Rebolusyon ng 1898, marami sa ating makabayang mithiin ay nahinto. Kaya naman para maipatuloy ang pag-aklas ni Bonifacio, ay marami sa ating kababayan na sumali sa paglikha ng Konstitusyon noong 1935 ay tusong tumaligsa sa Impeng Kano. Nilagyan nila nang makabayang panukala ang Constitutional Convention sa ating bansa upang liyabin ang makabayang mithiin ng ating kababayan. At dito nagsisimula ang Filipino bilang pangunahing wika ng Pilipinas, kahit na marami sa atin ngayon ay hindi native tongue ang wika ni Quezon.

Ngunit ang pagpapairal ng isang dialekto bilang ang pangunahing linggwahe ay hindi bukod-tangi sa mundo.

Isang halimbawa ay si Emperador Qin Shi Huangdi.Siya ay nagpairal nang linggwahe nang Qin para gamitin sa buong Tsina. Pinili ang linggwahe nang mananakop hindi dahil mas marami ang gumagamit nito. Ito ay para madaling makapahayag ng impormasyon patungo sa naghaharing uri. Katulad din nang Qin at Manila sa panahon ni Quezon, ang linggwahe ng kabisera ang ginamit na pamantayan sa sinasakupang teritoryo ng bagong likhang mga bansa. Kaya nga hindi Cebuano ang ginagamit natin. Ang konsentrasyon ng politikal na kapangyarihan ay nasa Manila (at ang wikang Tagalog) noon kahit mataas na ang antas ng ng mga lungsod at probinsya mula pa sa panahon ng Español (ang Chavacano ay bumibighani sa isip).

Bukas

Ngunit sa kasalukuyan ang linggwahe ng call-center agents, mayayamang tao at sa global na sirkulasyon ng pera ay coñyo, este Ingles pala. Ayon na rin sa mga eksperto, mananatiling English ang lingwahe ng Kapitalismo – kahit sa pagsibol ng Mandarin at paglubog ng hegemonya ni Big Brother.

Kaya ngayon marami na sa atin ang nagtatanong, “kailangan pa ba natin ipunyagi ang buwan ng wikang Filipino?” Ngunit, ang masasabi ko lamang ay hindi mo ma-aabot ang iyong paroroonan kung hindi ka lilingon sa pinanggalingan. Bow.

NB: Salamat sa Filipino-English Tagalog Dictionary.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s